Blog EntryNaaalala mo ba nung bata ka at .......Mar 19, '08 4:17 AM
for everyone
  • kumakain ng aratilis?
  • nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?
  • pinipilit ka na matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?
  • marunong ka magpatintero, langit-lupa, teleber-teleber at luksong tinik?
  • meron kang atari, family computer or nes? 
  • alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, <select> start?
  • may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, at Blowing Bubbles?
  • addict ka sa Rainbow Brite, Care Bears, My Little Pony, Thundercats, Bioman, Voltes V, Mazinger Z, Daimos, He-Man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
  • marunong ka mag-Wordstar at nakahawak ka ng 5.25 na floppy disk?
  • nung high school ka inaabangan mo lagi Beverly Hills 90210?
  • gumagam it ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
  • meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na Mighty Kid kung lalake ka?
  • nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
  • kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls? e si luning-ning at luging-ging?
  • idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers?
  • six digits lang ba ang phone number nyo dati? (seven digits ang naabutan ko!! wahahahaha!!)
  • nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
  • cute pa si Aiza Seguerra sa Eat Bulaga at alam mo ang lyrics sa kantang "Eh Kasi Bata"?
  • ang Magnolia Chocolait ay nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
  • meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
  • noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
  • alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at"alagang-alaga namin si puti"?
  • may Play-Doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni Barbie noon?
  • inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
  • meron kang kabisadong kanta ni Andrew E. na alam mo hanggang ngayon?! Aminin!!!
  • laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
  • bumibili ka ng Tarzan, Texas at Bazooka Bubble Gum... Tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
  • takot ka dumating ang year 1999 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?


15 CommentsChronological   Reverse   Threaded
drronrosero wrote on Mar 19
Hahaha! I can relate to most if not all! I even used to drink ChocoVIM which cost me 1 peso per bottle. One of those huge 1 peso coins!
mikafabs wrote on Mar 19
aratilis! masarap pa rin! i used to climb the tree pa. :P
pinoyavenger wrote on Mar 19
may Play-Doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni Barbie noon?
meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers?
six digits lang ba ang phone number nyo dati?
nakahawak ka ng 5.25 na floppy disk?
nung high school ka inaabangan mo lagi Beverly Hills 90210?
meron kang atari, family computer or nes?

---> ETO LANG NAAALALA KO!!! <---
dudspinca wrote on Mar 19
One of those huge 1 peso coins!
ay! malaki pa ang value ng peso noon! malaki pa ang 1 peso coin eh! hahahaha!!
dudspinca wrote on Mar 19
bakit konti lang ang naaalala mo? how young are you?
alhmarc wrote on Mar 19
parang galing sa akin ito ha? hehehe
aionz wrote on Mar 20
Hehehe.. used to have an aratiles tree just outside the window of our provincial home. It was such a treat to just extend my arm out and voila! instant snack..
amberwing wrote on Mar 20
aaahhh! Duds lumalabas na ang katotohanan... mas matanda ka sa kin! ROFLOL

kalahati lang ang alam ko sa pinagsasabi mo. meron diyes na square? akala ko one centavo lang yung naging square. :)
alhmarc wrote on Mar 20
6 digit phone number lang ang hindi ko inabutan dyan! gosh, i'm old!
dudspinca wrote on Mar 20
alhmarc said
gosh, i'm old!
ah....yes, you are!! :D
dudspinca wrote on Mar 20
meron diyes na square? akala ko one centavo lang yung naging square. :)
akala ko din 1 cent lang ang naging square, pati pala 10 cents. dek and icheb said so...which means, they are older than you and me!
hecman wrote on Mar 20
doon ako dati natutulog sa taas ng aratilis...

o kaya naglalaro ng Game & Watch Donkey Kong II.
mylenemalabanan wrote on Mar 20
duds kokopyahin ko ito at ipopost ko sa site ko! hahahaha! aliw!!!
wala ng pakialamanan kung lumabas ang edad! :P
alhmarc wrote on Mar 21
well, you're older than me! hahaha!
pinoyavenger wrote on Mar 21
bakit konti lang ang naaalala mo? how young are you?
apparently, i didn't have much of a childhood! hahaha!
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help